Magkusa kang magpaliwanag,
sasabihin, defensive at guilty ka.
'Wag ka magpaliwanag,
sasabihin pa rin, guilty ka.
Mabuti nang manahimik,
wag na lamang pansini't umimik.
Hayaan na lamang sila dumada ng dumada,
hanggang sa lumawit kanilang mga dila.
Di maintindihan, kasi di pinapaintindi?
Kung gusto talagang maintindihan,
noon pa sana'y nagtanong na
kung ano man siyang problema.
Mabuti nang manahimik.
Ipag-walang bahala, mga may saltik.
Nakatipid pa ng laway at kuryente,
kesa masayang sa pagpapaliwanag,
kakapaintindi sa mga taong
sarado ang isip sa katotohanan
at puro na lamang kababawan,
siyang pinaghuhugutan.
Puna. Puna. Puna.
Puro na lamang mga puna sa nakikita,
maski di naman karapat-dapat.
Nagkulang daw nang itinimbang.
Bakit, ang inyo ba hindi?
'Wag mainis.
Di ako nagmamalinis.
Sadyang ugali mo'y lihis.
Di makuha sa magandang bihis,
ugali mong marungis.
Walang nagbago,
nauntog lamang sa bato.
Nagising sa katotohanang bakit ganto.
'Wag tamaan, yaring mga bulaan.
Di ito garapalan.
Walang personalan.
Pawang kaisipan lamang.
Featured Post
My Work From Home Office Setup Update (October 2022): Modern Minimalist Workspace
My Work From Home Office Setup Update (October 2022): Modern Minimalist Workspace Hello October! New month, new life update no one asked for...
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhL1kcv-VGDggXWoCF0ckP2Yisw86z-rBQQ5MfnVRjQRErtbQ_ZhUOCMi8-xztlIy5wCJC-pNvC-qGktXNf7VFmPYklymjehh6Oq3UhEedKHuljFHa9ChDOUOmChmgjxDEt7-vHphfXoewfvsJSXDUMQJmNIY9ZmfuRZTWg81M91f_l_sfTyP54ynWr/s16000/work-from-home-office-workspace-setup-photos_1.png)